ITO ang mariing ipinapaliwanag nina Congresswoman Lani M. Revilla at Mayor Strike Revilla sa isang press conference sa Bialleti noong nakaraang sabado June 09, 2012. Ipinaliwanag ni Cong. Lani Revilla sa mga mamamahayag ang tungkol sa Republic Act 7160 kung saan pinapayagan ang lahat ng lokal na pamahalaan (probinsiya, siyudad o munisipalidad) na magdagdag ng hindi hi-higit sa sampung porsiyento (10%) sa lokal na buwis kada limang (5) taon, at kailangan ng isang ordinansa na magmumula sa Sangguniang Panlalawigan, Panglungsod o Sangguniang Bayan upang maipatupad ito.
Maliwanag na sa loob ng limang taon na maging siyudad ang Bacoor ay hindi ito magtataas ng buwis at kung magtaas man kailangan pang pag-usapan ito sa Sangguniang Panglungsod. Ipinaliwanag naman ni Mayor Strike Revilla ang mga benepisyo sa mga mamamayan sa oras na maging ganap nang siyudad ang Bacoor.
Malaking bagay ang hindi na pagremit ng buwis ng Bacoor sa kapitolyo na umaabot sa Isang Daang Milyong
Piso (100M) kada taon.
Ito ay nangangahulugan na mabigyan ng sapat na pondo ang mga serbisyo tulad ng Pangkalusugan, Edukasyon, Imprastraktura at iba pa.


No comments:
Post a Comment