KARAMIHAN sa mga babaeng nakapagbuntis na ng maraming anak ay nagdedesisyon ng magpatali o sumailalim sa “tubal ligation”.
Ang pagpapatali o tubal ligation ay isang uri ng family planning kung saan ang magkabila ng Fallopian tube ng isang babae ay “tinatali” o sinasar a sa pamamag itan ng isang simpleng operasyon upang mahadlangan ang “Fertilization” o pagsasama ng sperm cell ng lalaki at egg cell ng babae upang mak abuo ng isang “embryo” na siyang magiging isang sanggol.
Dahil magkabila ang tinataling fallopian tube, ito’y kilala rin bilang bilateral tubal ligation o BTL. Ngunit kata-taka naman na sa dami ng babaeng nagpapasailalim dito ay siya namang kaunti ng lalaking nagpapasailalim sa operasyong k a tumb as nito na kilala sa tawag na “vasectomy”.
Hindi naman lingid sa ating kaalaman na marami pa ring Pilipinong kalalakihan ang may agam-agam sa vasectomy.
Panahon na siguro upang buksan ang kaisipan at alamin ang mga katotohanan tungkol sa vasectomy – ang operasyong simple at popular na popular sa Europa at Amerika kung Family Planning ang pag-uusapan.
Ang pagpapatali sa lalaki o vasectomy ang isang uri ng family planning kung saan ang vas deferens o daluyan ng sperm cells papunta sa semilya o tamod ay pinuputulan upang makahadlang sa pagbubuntis.
Kung walang sperm cell na makakarating sa pwerta ng babae, walang “fertilization” na magaganap.
Ang vasectomy o pagpapatali sa lalaki ay ginagawa sa pamamagitan ng isang simpleng operasyon na maaaring gawin sa klinika lamang. May itinuturok lamang ng anesthesia, tapos may dalawang maliit na hiwa sa bayag na gagawin.
Tap os n ito ay isasar a na kaagad ang hiwa matapos magupit ang daluyan ng sperm cell. Pag ikaw ay ‘tinalian’ na o na-vasectomy, hindi nito ibig sabihin na wala na ng semilya o tamod na lalabas sa iyong ari habang nakikipagtalik o nagma-masturbate.
May tamod parin naman at hindi mababago ang dami nito. Yun nga lang, wala nang sperm cell dito. Hindi ito magiging dahilan ng kawalan ng gana sa sex sapagkat hindi naman tinanggal ang “testis” sa bayag na siya namang gumagawa ng “hormones” para sa libido ng isang lalaki. Ang pagpapatali sa lalaki o vasectomy ay higit pa sa 99% na epektibo sa paghadlang sa pagbubuntis. Ito’y itinuturing na isa sa pinaka-epektibong paraan ng birth control o family planning.
Ngunit tandaan na pagkatapos na pagkatapos ng pagpapatali, maaaring mayroon pang matirang sperm cells sa mga imbakan nito at aabutin ng isa hanggang dalawang buwan bago tuluyang wala nang sperm cell na sumasama sa semilya.
Gaya ng pagpapatali sa babae o tubal ligation, ang pagpapatali sa lalaki ay permanente na.
Maliban na lang sa mga artipisyal na paraan gaya ng IVF o invitro fertilization, hindi na maaaring makabuntis ang lalaki.
Ngunit tandaan, maaari paring mahawa at makahawa ng sexually-transmitted infections (STI) ang lalaking nagpatali.
Kaya dapat ay maging responsable pa rin at gumamit ng condom kung kailangan. Kung gustong magpatali, magpunta lamang sa iyong urologist at ikonsulta ang iyong desisyon na magpatali. Ito’y simpleng procedure lamang at maaaring gawin sa klinika ng urologist o iba pang doktor (kalimitan mga surgeon) na marunong mag-vasectomy
Bagamat mas mahal kung ikukumpara sa condom, ang vasectomy ay isahang beses lamang gagawin at malaki ang katipiran nito sa malawakang pagtanaw.
Napakadali at napaka-epektibong paraan ng family planning ang vasectomy
Kailangan lamang ng lakas ng loob at determinasyon ng mga kalalakihang Pilipino para maisagawa ito. Kung tutuusin kayang-kaya naman ng mga kababaihan ang tubal ligation.
Padadaig ba naman ang mga kalalakihan? Isang beses lang naman ito paghihirapang gawin at pagkatapos ay buong buhay ng mararanasan ang mga benepisyo nito.
Subalit kailangan ding pag-isipang mabuti sapagkat ito ay permanente at rekomendado lamang sa mga kalalakihang wala nang kagustuhan makabuntis o magkaroon ng dagdag na anak.
CAVITE HEALTH WATCH
By: EDWIN POBLETE│Operation Eposé Vol. 9 Blg. 48 June 10-June 16, 2012 issue

No comments:
Post a Comment