ANG salitang politics ay mula sa katagang griyego na polis. Ibat-ibang uri ng pamahalaan ang ibig sabihin nito. May salitang Monarkiya – ang pamamahala ng hari. Aristokrasya – ang pamamahala ng mga maharlika o mayaman lamang. Oligarkiya – ang pamamahala ng kakaunting namumuno. Tiraniya – ang pamamahala ng illegal na pinuno kung kaya’t may mga pinuno sa illegal na sugal, illegal na droga, illegal na mga samahan, pangungurakot ng mga pinuno sa iba’t – ibang pamunuan sa gobyerno, LGU, HOA at marami pang iba na ang Gawain ay pamemera – ang tawag po dito ay illegal na pamumuno.
Maraming uri na illegal na may pinuno.
Ang salitang demokrasya na galing sa salitang demos (taong-bayan) at kratos, kapangyarihang mula sa taong bayan. Nakakamtan ang kapangyarihan ng ilang tao sa pagtatalaga, o pagboto sa araw ng halalan sa pagpili ng iluluklok sa tungkulin ano pa mang uri ng pamunuan ito upang maglingkod na mabuti ang mapipili. Ang ibig sabihin po sa makademokrasyang pagkamamamayan ay pagpapayaman ng kaisipan ng taong bayan sa maka-dios, maka-tao, maka-kalikasan, at maka-bayan. Subalit ang tunay na diwa ng demokrasya sa mga pamunuan ay nalalambungan na bulok na sistema ng pamumuno.
Bagamat may isinasaad sa by-laws ng HLURB na hindi dapat panghimasukan ng Brgy. at Local Official ang anumang usapin pangloob ng HOA malibang humingi ito ng tulong sa Brgy. eh hindi dapat pagkaitan sapagkat ito ang tungkulin ng Brgy. Official ng sila ay iboto ng mamamayan at maluklok sa puwesto.
Pero kung Brgy. pa mismo ang kasabwat sa ganitong mga protesta at rally sa Parklane e hindi kayo totoong mga politiko. HA-HA-HA. Sayang palapit na ng palapit ang 2013 Election.
MORAL RECOVERY PROGRAM
By: REV. E. ALVAREZ│Operation Exposé Vol. 9 Blg. 52 July 08 - July 14, 2012

No comments:
Post a Comment