CAVITE CITY––Tinatayang aabot sa P300,000 halaga ng ari arian ang tinupok ng apoy ng masunog ang isang bahay sa F. Mañalac Street, sa lunsod ng Cavite dakong ala 1:45 ng hapon nitong nakalipas na Hulyo 4.
Sa nakalap na ulat sa tanggapan ni Chief Insp. Jerome T. Reaño, City Fire Marshall, base sa paunang imbestigasyong isinagawa ni FO2 Isagani Labis, Fire/ Arson Investigator nabatid na isang tawag sa telepono buhat sa isang Vic Guererro ang natanggap ni FO1 Virginia Ednaco, telephone operator sa nagaganap na sunog sa nasabing lugar, kaagad na tinungo ng mga bumbero ang lugar kung saan sinasabi ng mga nakasaksi, na nagsimula ang apoy sa 2nd floor ng bahay na pag aari ng isang Solidad Vega y Oncinian sa kuwarto ng namayapang Honorato Vega.
Ayon sa ulat, nabatid na sa araw ay si Solidad lamang ang naiiwan sa bahay at sa gabi ay sinasamahan ito ng anak ng kanyang pamangkin na natutulog sa nasabing kuwarto. Wala namang naiulat na nasaktan sa insidente, 14 na trak ng bumbero sa ibat ibang fire stations sa mga karatig na bayan ang dumalo upang apulain ang sunog na umabot sa 4th alarm na ideneklarang fire out bandang alas 2:25 ng hapon.
Patuloy naman ang imbestigasyon sa pinagmulan ng sunog.
BAHAY NASUNOG, P300,000 ARI-ARIAN NILAMON NG APOYBy: REY MORALES/ RENANTE MAGBUAT │Operation Eposé Vol. 9 Blg. 52 July 08 - July 14, 2012

No comments:
Post a Comment