IMUS, Flag Capital of the Philippines – Sa botong 36,226 Yes! votes, ipinasiya ng mga rehistradong botante ng Bacoor na ito nga ay isa nang ganap na lungsod. Idineklara ni Ms. Aniceta Laceda, Commission on Elections (Comelec) officer dito, alas 12.30 ng tanghali ng Linggo na ang Bacoor ang ikalimang bagong siyudad sa Cavite.
Umabot lamang sa 3,854 ang No! votes sa plebesitong idinaos nitong Sabado, Hunyo 23 na sina Mayor Strike Revilla, Congresswoman Lani MercadoRevilla ang unang bumoto pabor sa cityhood ng bayan.
Dumating sina Sen. Ramon ‘Bong’ Revilla Jr.,, anak nila ni Congw. Mercado-Revilla na si Ramon ‘tJolo’ Revilla III, Cavite ABC president sa deklarasyon ng lungsod na sinaksihan ng mga konsehal at iba pang opisyal ng bagong siyudad.
Sa darating na Sabado, Hunyo 30, idaraos ang plebesito sa cityhood ng Imus na inaasahang papaboran din ng maraming rehistradong botante ng progresibong bayan at kabisera ng lalawigan. Sa plebesito, ipinaalala ni Mayor Emmanuel Maliksi na duon sa mga presintong bumoto ng nakaraang eleksiyon ng 2010 dapat magpunta ang boboto sa cityhood ng Imus.
Inaasahan ni Maliksi na mananalo ng botong Yes! sa referendum. Magkasunod na nilagdaan ni Pangulong Aqino nitong nakaraang Abril ang charter ng Imus at Bacoor na iniakda nina Bacoor Congresswoman Mercado Revilla at ni Imus Congressman Ayong Maliksi.
Magiging ikaanim na siyudad ng lalawigan ang Imus kapag pinagtibay ito ng mga botante. Iba pang siyudad ng Cavite, bukod ang Bacoor, ay ang Cavite City, dating capital ng lalawigan, Trece Martires City, Capitol site; ang 2nd Summer Capital of the Philippines,Tagaytay City, at ang pinakamayaman sa kinikita kada taon at may pinakamaraming populasyon, ang Dasmariñas City. ELI TAPARAN
YES VOTES po tayo: Mas maraming benepisyo po ang matatanggap ng mga senior citizens, mas maraming programa sa health, edukasyon at ivba pan serbisyo. Ito ang sinasabi ni Imus ABC President Totie Ropeta sa isang open forum parea sa cityhood ng Imus kamakailan; sa dulong kanan, si Imus Vice Mayor Mandy Ilano, at nasa harap, bahagyang natatakpan si Konsehal Ony Cantimbuhan, Bokal Larry Nato, at SK Federation Pres. Darlon Sayarot. Photo: OHBET TOPACIO
CITYHOOD NG IMUS, PAGBOBOTOHAN SA HUNYO 30
By: ELI TAPARAN│Operation Eposé Vol. 9 Blg. 51 July 01 - July 07, 2012 issue


No comments:
Post a Comment