Mga Minamahal kong mga tagabasa may paparating na naming sama ng panahon, kailangan lagi tayong handa upang maiwasan ang disgrasya at maging maayos po ang lahat pagsapit ng bagyo.
BATIKAN NA MATULUNGIN SA TAO
Mga minimahal kong taga Rosario ay bigyan naman natin ng pansin ang Batikang Matulungin sa Tao, miski hindi na Konsehal itong si Onie Aranas ay sobrang buti nito sa tao, hindi lang sa taga Rosario at maging sa taga ibang lugar. Miski sa sariling bulsa niya nanggagaling ang pera ay itinutulong niya sa mamamayan ng Rosario, Cavite, boss Onie o Kuyang Onie patuloy mo ang magandang adhikain sa bayan, gagabayan ka ng dakilang lumalang ng sanlibutan, kasama si Willy Cuello na katulong mo sa magandang Gawain, Mabuhay Kayo.
W.MASTER NG PILAR LODGE NO. 03
Binabati ko po ang butihing marangal na guro ng Pilar Lodge No. 03, Independent Grand Lodge of Phil. Island, Free and Accepted Mason, IGLPI na may ari ng Kuyangs Tapsi sa may Marulas, Kawit, Cavite. Si V. W. Master Ruel Pallera ay matulungin sa tao na ginagampanan talaga ang simulain ng isang mason lalo na sa Cavite. Kasama niya si Bro. Gorgonio Alegro Torres,Past Junior Deacon at VW.Safiro V. Benedicto, PM . Binabati ko din si Bro. Jaime Jose, Bro. Joseph Wills, WM Venacio I. Cuvin,PM, Wm Agusto Hernandez, PM W.BRO. Abelardo Camahalan, PM, incumbent treasurer ng Pilar Lodge. PGM Manuel Caranza, incumbent Junior Warden Pilar Lodge. Ang Logia po ay nag celebrate ng ika 118 years anniversary last 6-02 2012 bilang isa sa pinakaunang Logia sa Cavite kung saan dito sumapi si Gen. Aguinaldo ng Kawit, Cavite.
HIT AND RUN VICTIM
Si Miguel Asim na taga Balsahan, Binakayan, Kawit, Cavite na tubong Gapan, Nueva Ejica ay nabundol nuong 17 June 2012 sa Panamitan, Kawit, Cavite humigit kumulang 7am nang hindi pa nakikilalang driver ng itim na Toyota Car, Namatay siya nuong June 21, 2012 at nilibing nuong June 26, 2012, Kung sino sa inyo ang nakakaalam sa tunay na may gawa ng aksidente ay makipagugnayan sa Kawit PNP o sa inyong lingkod para malutas ang nasabing Aksidente at matunton ang tunay na salarin.
KASANGGA
By: BOBBIT BENITEZ │Operation Eposé Vol. 9 Blg. 51 July 01 - July 07, 2012 issue
By: BOBBIT BENITEZ │Operation Eposé Vol. 9 Blg. 51 July 01 - July 07, 2012 issue

No comments:
Post a Comment