MARAMING mga Comedian o komedyante sa mundo ng pinilakang tabing. Ibat iba ang estilo ng pagpapatawa upang mapaligaya ang mga manonood. Subalit sa kabila ng karamihan, ilang dekada ng masasabing walang makahihigit sa katangian kahusayan sa pag ganap ng nag iisang Comedy King na si Dolphy.
Sa loob ng limang taon nakipaglaban sa sakit na chro-nic obstructive pulmonary disease (COPD) ang Hari ng Ko-medya ng pelikulang Pilipino.
Ang COPD ay isang uri ng sakit na nakakaapek-to sa baga at nakakahadlang sa maayos na pag-hinga ng isang pasyente.
Nalagutan ng hininga sa Makati Medical Center si Rodolfo Vera Quizon sa tunay na buhay sa edad na 83, na ipinanganak noong Hulyo 25 1928 sa Tondo Manila. Severe Pneumonia, Chronic Obstructive Pulmonary Disease, and Acute Renal Failure ang kanyang ikinamatay.
Hulyo 10 dakong alas 8:34 ng gabi ng tuluyang nang mamaalam ang hari ng komedya. Inasahan na rin ng pamilya ang mangyayari sa isa sa itinuturing na haligi ng industriya ng pelikula sa bansa makaraang ma confine ito sa Makati Medical Center at matuklasan ang paghina ng kanyang mga vital organs pati na ang hirap nito sa pag ihi..
Noon pa man bata ang Hari ng Komedya ay may asthma na ito, at inamin din nito na ang kanyang sakit ay sanhi ng kanyang paninigarilyo noong kanyang kabataan Merong 18 na anak ang hari ng komedyante. subalit wala itong pinakasalan sa kanyang mga nakasama sa buhay at si Zsa Zsa Padilla ang huling naging bahagi ng kanyang buhay.
Sa pagpanaw ni Dolphy o Tito Dolphy, o Pidol na itinatawag sa kanya ay ang pagluluksa ng maraming Pilipino bilang isang haliging institusyon kanyang ginagalawan nagsilbing inspirasyon ng maraming komedyante nais sundan ang kanyang yapak dahil sa angking kagalingan.
Sa puso at sa diwa ng mga Pilipino hindi mamamatay ang iyong iniwang mga alaala.


No comments:
Post a Comment