EDITORYAL:
GANAP nang naging bagyo ang namataang sama ng panahon na patuloy na minamanmanan ng Philippine Athmospheric, Geophysical and Astronomical Services (PAGASA).
Alas-4:30 ng hapon kahapon ng maging bagyo ang nasabing sama ng panahon na tinaguriang "Dindo” na namataan 670 km sa East Northeast ng Virac, Catanduanes. Sinasabing nagtataglay ng lakas ng hanging 55 km bawat oras at gumagalaw sa lakas na 19 km per hour.
Sinasabing partikular na maapektuhan ng nasabing bagyo ang Northern Luzon at Eastern Luzon sa bansa, kung saan siya patuloy na tumatahak.
Ayon sa pahayag ng PAGASA kung tatama ang bagyo sa kalupaan ay magdudulot ng malakas na pag-ulan sa apektadong mga lugar.
Mabuti na lamang at hindi ito tatama sa kalupaan kung hindi ay kawawa na naman ang mga pananim na hahagupitin ng malakas na hangin, pagkalugi na naman ng mga magbubukid sa pagkasalanta ng mga gulay at palay na pananim.
Tiyak na nangangamba rin ang mga nasa malapit sa mga lugar na nasa paanan ng bundok sa posibleng pag guho sa pag agos ng mga rumaragasang tubig galing sa itaas ng bundok.
Sa mga nasa tabi ng dagat, sa mga mangingisda na hindi makakapalaot dahil sa lakas ng alon. Sa mga naninirahan sa mga mababang lugar na hindi na maibsan ibsan ang baha sa kanilang mga lugar, Sa Navotas at Malabon na nasa paligid ng mga ilog at palaisdaan na ang kanilang mga mamamayan na sa oras ng pagbaha na dulot ng bagyo ay wala ng masulingan.
Laging babad sa tubig sakit na alipunga hindi na maalis alis. Maraming bagyo pa ang dadalaw sa ating bansa, mabuti kung palaging hindi tatama sa kalupaan hindi masyadong perhuwisyo kanyang ibibigay. Harinawa sanang pirmihang solusyon sa pagbaha ay matugunan ng hindi na maulit sakuna at perhuwisyong iginanti ng kalikasan.
EDITORYAL
│Operation Eposé Vol. 9 Blg. 51 July 01 - July 07, 2012 issue

No comments:
Post a Comment