CAVITE CITY–– Isang 27 anyos na tricycle driver ang naaresto ng Warrant at Intelligence Section ng Cavite City PNP na wanted sa kasong grave threats sa T. Gomez Street, Barangay 40 Caridad ng nabanggit na lunsod nitong nakalipas na Hunyo 30 dakong alas 11:00 ng umaga. Sa nakalap na ulat sa tanggapan ni P/ Supt. Rommel Laconsay Javier, hepe ng pulisya,kinilala ang wanted person na si Roberto Sobreo y Clerigo 27, may asawa residente ng nasabing lugar.
Sa ulat ng pulisya, armado ng warrant of arrest sina PO1 Edgie Portacio at PO1 Ryjan De Guzman na inisyu at nilagdaan ni Hon. Judge Louis P. Acosta ng RTC Branch 17 Cavite City ng arestuhin ang suspek sa ilalim ng criminal case number 89-12 na may petsang Mayo 11, 2012 na may kaukulang piyansang P2,000 sa kanyang pansamantalang paglaya.
TRICYCLE DRIVER NA WANTED SA KASONG GRAVE THREATS NATIMBOG NG PULISYABy: REY MORALES│Operation Eposé Vol. 9 Blg. 52 July 08 - July 14, 2012

No comments:
Post a Comment