ILAN lamang ito sa ating mga kasabihan na aking inihahambing sa hari ng komedya na Rodolfo Vera Quizon o mas kilala sa pangalang “Dolphy”. Ngayong wala na siya meron nang binigay na parangal o titulo ang grupo na siyang nagtatanghal na maging isang national artist ang isang tao. Wala na, huli na hindi na ma-appreciate ni Dolphy yan, sabi nga niya noon, Di baleng hindi siyang tinanghal na National Artist...National Arthritis na lang daw.
Nagpapatawa pa rin siya imbes na malungkot. Sabi nga, malalaman daw kung marami ang nagmamahal sa isang tao kapag marami ang nakikiramay kong mamatay ito. Dahil ito daw ang okasyon na walang imbitasyon kundi kusang loob ang pagpunta sa pakikiramay. Dagsa ang maraming tao sa lamay ni Dolphy.
Galing pa sa malalayong probinsiya para lamang makiramay. Sa kanyang pagpanaw lumabas din na marami siyang natulungang tao. Maging ang kanyang naging naka-trabaho ay hindi makakalimutan ang mga halimbawa na kanyang pinapakita sa kanilang lahat. Ilan dito ang pagiging maalwan niya sa kanyang mga kasama, ang dumating sa takdang oras at ang pagiging humble niya.
Para sa akin, karapat-dapat lamang na maitala ang pangalan ni Dolphy bilang isang National Artist dahil sa kanyang naiambag sa industriya. Maganda sana nong buhay pa siya at na-appreciate niya ang nasabing parangal. I’m sure naman marami ang National Artists at hindi na masama na isa siya diyan. Parang National Heroes marami sila. Yon nga lang, Kung magiging National Artist siya pagdating ng araw, siguro para sa karangalan ng pamilya na lang. Pero maganda pa rin sana, na nadama ni Dolphy ang kanyang pagiging National Artist kung sakali man bilang “premyo” sa kanyang sarili sa mga naging karanasan niya sa sining na kanyang ginagalawan.
Buti na nga lang noong November 08, 2010 iginawad ni President Benigno Simeon Aquino III ang Grand Collar of the Order of the Golden Heart kay Dolphy na ginanap sa Rizal Ceremonial Hall.
REKTAHAN
MARITES LEONILLO│Operation Eposé Vol. 9 Blg. 51 July 01 - July 07, 2012 issue

No comments:
Post a Comment