ISA sa mga sensetibong usapin sa sports ay ang pagkakaroon ng uniporme. Nakatatak kasi dito ang pangalan ng team, kulay na magiging pagkakailanlang, at desenyo ng logo para sa grupo o koponan na ipagmamalaking kanila.
Siyempre hindi basta basta ang pagpili ng desenyo ng logo dahil hindi ito pwedeng basta basta na lamang kopyahin sa ibang koponan, kung kaya naman dapat lamang na kakaiba ito at magsisimbolo ng grupo o koponan ang paggamit ng logong ito.
Idagdag pa ang pagpili ng kulay na magpapatingkad ng desenyo ng logo at sa kabuoang kulay ng uniporme.
Kung tungkol naman sa pagkakakilanlan ng isang manlalaro naman, ay naglalagay ng pangalan at number sa uniporme. Kung minsan kasi ang pangalan ay mahirap sabihin kumpara sa numero, kung kaya naman may opsyon ang mga ‘announcer’ ng palaro na bigkasin ang numero o ang mismong pangalan ng manlalaro.
Natatandaan mo ba ang numerong 7? Oo, ang numberong ginamit ng kilalang si Robert Jaworski! Simula noon hanggang sa kaniyang pagreretiro ay dinala nito ang numerong 7 sa lahat ng kaniyang uniporme. Itong kalagitnaan lamang ng Hulyo 2012, ay binigyan ng parangal ang kilalang basketbolistang naging pulitiko ang kanyang pagreretiro sa larong basketball. Gayunman, hindi ito syempre titigil sa paglalaro ng basketball sa mga pangpribadong laro o sa kanyang rotinang gawain, sa madaling salita, hindi na ganun kadalas na natin sya makikita sa mga mamalaking palaro.
Sa lahat ng palaro, ang kadalasan nating nakikita sa mga uniporme ng mga manlalaro ay ang pagbabandila ng kung sino ang pinaka sponsor ng koponan. Syempre, kung ikaw ang pinanser ng kanilang grupo, dapat lamang na ipagbabandila nila ang iyong pangalan para naman sa ganun ay makabawi ang kumpanya sa larangan ng adverstisement, at maituturing na promosyon sa lahat ng makakakita.
Maituturing ding pagpapakilala sa lahat ng tao kung saan ka galing na eskwelahan o lugar, na kung saan nakatatak sa inyong uniporme ang pangalan ng inyong eskwelahan o sa isang espesipikong bayan na kung saan nakatira ang koponan na makikilahok sa malawakang palaro.
Makakatulong ang uniporme sa koponan upang makilala ng mga tao kung sino, saan o kahit pa anong klaseng mga manlalaro ang sumasali sa isang labanan. Nagpapatingkadnaman ang kulay na napili sa uniporme, habang nagbibigay naman ng kabuoan ang logo ng koponan. Idagdag pa, ang paglalagay sa tamang pananamit ang mga manlalaro sa mga pampublikong palaruan, at higit sa lahat, ang pagkakaroon ng proteksyon sa oras ng laban habang maliksing makakilos ang manlalaro sa pinaka kumportableng paraan.
At sa bandang huli, ang palaro ay sinasangkapan ng tinatawag na media exposure, nanaisin mo bang makita sa mga pahayagan na hindi angkop ang iyong kasuotan?
Hanggang sa muli.
Iwagayway ang Tagumpay ng Imus
EMAN CAYABYAB│Operation Exposé Vol. 10 Blg. 01 July 15 - July 21, 2012

DOWNLOAD $12,234 in 2 months GAMBLING ROBOT?
ReplyDeleteLet me get it straight.
I don't care about sports. Shame on me but I dont even know the football rules. Never cared less.
I tried EVERYTHING from forex & stocks to internet marketing and affiliate programs.. I even made some money but then blew it all away when the stock market went south.
I think I finally found it. Get It Now!