NOVELETA, Cavite–– Nagsagawa ng operasyon ang mga elemento ng Cavite Criminal Investigation Team (CIDT) sa pamumuno ni PO3 Gil D.Anrico sa direktang superbisyon ni P/Chief Insp. Marlon Santos Sa Brgy. San Rafel III Noveleta, Cavite nitong nakalipas na Hulyo 16, bandang alas 6:00 ng gabi na nagbunga ng pagka aresto ng isang Regalado Samartino y Palustre, 62, hiwalay sa asawa,magsasaka residente ng Brgy. Road San Rafael II Noveleta Cavite.
Inaresto ang suspek sa bisa ng Warrant of Arrest sa paglabag sa Section 11 , 12, Article II ng RA9165 at paglabag sa Section 1,ng Presedential Decree 1866 sa ilalim ng Criminal Cases numbers 435-11 to 436-11 and CC No. 437-11na inisyu at nilagdaan ni Hon Judge Manuel A. Mayo of RTC, Branch 16, Cavite City.
Sa nakalap na ulat isang police asset ang nagbigay ng impormasyon sa pagkakakita sa suspek sa nasabing lugar na nakasakay sa isang SUV Mitsubishi Outlander (NLU688), kaagad na nagtungo ang mga awtoridad sa nasabing lugar, at namataang nakaparada ang sasakyan na umaanadar ang makina at naka hazard light na waring may hinihintay, doon ay pumosisyon at pinaligiran ang sasakyan upang tiyakin kung ang suspek ang nasa loob ng sasakyan.ng katukin ni PO3 Anrico at buksan ng tao sa loob ang bintana ng sasakyan at matiyak na iyon ang kanilang pakay ay inaresto ang suspek.
Sa paghahain ng warrant at sa isinagawang search sa loob ng sasakyan,nakakumpiska ng 2 piraso ng small heat sealed transparent plastic sachet na naglalaman ng pinaghihinalaang shabu residue at drug paraphernalia.
62 ANYOS LALAKI WANTED SA BARIL AT DROGA NASAKOTE NG CIDT
By: REYAMOR/ REYNANTE MAGBUAT │Operation Eposé Vol. 10 Blg. 02 July 22 - July 28, 2012

No comments:
Post a Comment