HOTSHOTS
HINDI siguro mahihirapan ang ating Pambansang Kapulisan o ang Philippine National Police (PNP) sa pagresolba ng mga krimen partikular sa mga nagaganap sa mga pangunahing lansangan, maging ang ilang mga ahensya ng gobyerno sa pagresolba ng mga aksidente sa daan sa mga paglabag sa batas trapiko. At hindi rin mahihirapan na maresolba ang mga krimen sa mga establisimyento kung mayroong naka install na Closed Circuit Television (CCTV).
Tulad kasi sa mga modernong bansa madaling ma monitor ang ano mang aksidente, at paglutas ng mga krimen sa pamamagitan ng CCTV na nakunan nito.
Kung walang CCTV baka patuloy na blangko ang mga opisyales at kinatawan ng mga ahensya ng gobyerno sa katiwaliang nagaganap na sakop ng kanilang ahensya.
Tulad na lamang ng pagkakabulgar ng matagal ng katiwaliang nagaganap diyan sa Pasay City Post Office sa operasyon ng isang “Buriki gang” Kung walang CCTV hindi mahuhuli sa akto ang isang janitor na nagbubukas ng isang “package” sa loob ng nasabing tanggapan.
Hulyo 18, naaresto ang isang Rolando Magundayao, 28, residente ng Binondo, Maynila makaraang makita sa “closed circuit television (CCTV) camera footage” na palihim na inihalo sa dala niyang mga basura ang isang pakete at saka binuksan. Naglalaman ang naturang pakete ng mga imported na tsokolate, tatlong tig-10,000 yen at isang 1,000 yen. Inaresto ito ng mga security personnel ng Post Office sa pangunguna ni Postal Inspector Albert Dimabuyo habang nasa aktong isinisilid sa isang sako ang kanyang mga nakulimbat.
Sa totoo lang, hindi lamang isa o dalawang insidenteng tulad nito ang nangyayari marami ng reklamo base sa tala ng pulisya, sa nawa-walang mga padala sa Pasay Post Office na kanilang inalerto. Dahil dito, palihim na naglagay ng mga CCTV cameras ang security personnel ng Post Office kung saan naaktuhan si Magundayao sa ilegal na gawain.
Sinasabing,inamin ni Magundayao ang iligal na gawain kung saan isang janitor at dalawang kaswal na empleyado ang kasabwat niya rito. May apat na taon nang naninilbihan bilang janitor ang suspek ngunit nitong buwan ng Abril lamang umano siya sumali sa ilegal na aktibidades.
Oww!!! nagpalusot pa at bago lamang sumali sa illegal activities kasi nga nabuking na. Well Qualified theft ang haharaping kaso nitong si Magundayao at tiyak rehas na bakal din ang haharapin ng mga kakutsaba nito.
Kung maari nga lamang dahil sa medyo may kamahalan ang CCTV lahat ng mga ahensya maging mga subdibisyon at establisimyento ay magkaroon nito ng mabuking ang mga katiwalian, mga dorobo at maagang maka resolba ng mga nagaganap na krimen...
ANG KAGALINGAN NG MAYROONG CCTV
page 4 - By: REY MORALES│Operation Eposé Vol. 10 Blg. 02 July 22 - July 28, 2012

No comments:
Post a Comment