reynaldosr.morales53@yahoo.com │09162335544
MAGANDANG araw mga igan, Nitong nakalipas na Agosto 29 ng magkaroon ang SPED ng Educational Field trip, kasama sa field trip na ito ang mga magulang mga teachers ng SPED ng Ladislao Diwa Elementary School (LDES) Julian Felipe Elementary School (JFES) at Manuel Rojas Elementary School at imbitado ang mga personnel ng Dep’Ed District Office sa lungsod ng Cavite.
Matapos ang field trip ay may mga mga magulang na nag react at nag sentimyento na ipinarating sa atin upang mabatid ng mga ito ang kanilang naging sama ng loob.
Nais muna nating ipabatid sa kinauukulan na wala po tayong personal na galit o hinanakit sa kinauukulan, wika nga trabaho lamang at walang personalan. At sa huli ng ilalahad natin ay mag iiwan po tayo ng katanungan kung nais nilang ipahatid din sa atin ang kanilang kasagutan.
Narito po ang nilalaman ng kanilang sentimyento.
Dear Mr. Morales,
Nais po lamang namin na idulog sa inyo ang aming sama ng loob sa katatapos na SPED Educational Field Trip just imagine naman ho, almost 2 hours na pinaghintay ang mga bata, parents at teachers - bus na ordinary na ang sinakyan samantalang ang Dep’Ed personnel nakasakay na sa van nanood pa ng 3D movies sa Manila Ocean Park, nagpunta pa sa Antartica.
Di man lang naisip na pang Sped ang field trip nay un samantalang sila ang nag enjoy, Ang mga parents ang nagbayad para makasama sila.
Samantalang ang mga DO personnel puro libre na nga may mga sabit pang bitbit, Ang Manila Zoo at Luneta hindi ho natupad ang ipinalit MOA.
Nag iiyakan na ang mga bata, sa kahihintay sa kanila. At may mga parents na tulad namin na sa awa sa mga anak nag taxi na lang at binirahan ng uwi.
Ang tanong po namin kung para ho ba kanino ang field trip, kasi ang mga supervisors at principals ang nag enjoy ng Sped fund?
Salamat po kung mabibigyan po ninyo ito ng espasyo sa inyong pahayagan.
Mga magulang.
Wala po tayong pinutol sa nilalaman ng kanilang sentimyentong ipinadala sa atin Kayo na po ang bahalang sumagot sa kanilang katanungan.
Kung ako po kasi ang tatanungin kaya may educational filed trip para sa karagdagang kaalaman ng mga mag aaral , ikalawa base sa kautusan ng Dep E’d ang field trip ay isinasagawa sa mga lugar na may makukuhang dagdag kalaman na konektado sa kanilang pag aaral.
Huwag naman po na ikagagalit ng kinauukulan, Ano po ba ang makukuha ng mga mag aaral lalo na yung nasa Sped sa Mall of Asia? o MOA di tulad Luneta na may historical background at Manila Zoo na kinaroroonan ng mga di pamilyar pang hayop sa mga batang mag aaaral na sa mga larawan lamang at sa libro nila natututunghayan.
Bukas po ang ating pahina para sa inyong kasagutan at makaaasa po kayo na ilalahad naming ang inyong panig sa patas na pamamahayag.
FIELD TRIP NAGING BAD TRIP...
page 04 - By: REY MORALES │ Operation Eposé Vol. 10 Blg. 09 SETYEMBRE 9-15, 2012

No comments:
Post a Comment