BULOK NA MARKETING STRATEGY
Mga kaibigan baka may lalapit sa inyo kung kayo ay nagkakarga ng gasolina na lalaki sasabihin o babae na magara ang kasuotan na itim. Sir libre ito tatama kayo ng vacation for 2.
Itoy nagaganap lalo na sa may mga gasolinahan sa Centennial Road, Kawit, Cavite. Tapos tatawag sa telepono ninyo sasabihing tumama kayo ng Vacation sa Boracay o sa Pangasinan na Resort o di kaya sa Thailand at iba pa. Iimbitahan kayo ng Lunch o Dinner sa Hotel o Restaurant kasama ang inyong asawa o mister, naku bulok na sistema, sabi libre, nge! Me bayad pala at pipilitin kang mag- member sa Vacation Club ng ubod ng laki ang bayad, mauubos ang oras mo at papaasahin ka.
Wag ninyong pansinin ang racket na sistema ng grupong mga ulol na ito sumbong ito ng isang kaibigan na taga Gen. Trias, Cavite na nauto nila. Ang promotion ng vacation club ng isang malaking resort sa Pangasinan, sana puntahan kayo ni Mike Enriquez para malaman ng lahat ang sistema ninyo.
MS. ANGIE NG NBI CLERANCE, MAHUSAY
Ako po ay nang hihinayang ng mawala si Ms. Angie Barrientos sa NBI Clearance Section sa Cavite.
Bihira sa NBI personnel ang sobrang mahusay mag-assist at matulungin sa tao. Si Ms. Angie ay nalipat na sa NBI Las Pinas sa may Municipality of Las Pinas, Metro Manila Compound. Kaya madaming nakuha ng NBI dito ay nanduon si Ms. Angie, Maganda na at matulungin pa sa Tao. Ipag-patuloy mo lang yan kasipagan mo sa job mo. Mabuhay ka, hindi lugi sa iyo ang Gobyerno.
KUNG MAYROON KAYONG
NAIS IDULOG SA INYONG
LINGKOD AY MAGTEX LANG O TUMAWAG SA TEL. NO. 0999-3689386.
KASANGGA
By: BOBBIT BENITEZ│Operation Eposé Vol. 10 Blg. 02 July 22 - July 28, 2012


No comments:
Post a Comment