SA tala ng National Disaster Risk Reduction Management Council (NDRRMC) umabot na sa 16 katao ang bilang ng nasawi sa pananalasa ng bagyong Gener.
Sa ulat ni Executive Director Benito Ramos dalawa ang nasawi sa landslide sa Benguet,dalawa ang nadaganan ng puno, walo ang nalunod, samantalang ang iba ay hindi pa nakikilala.
Sa ulat pa rin ng NDRRMC may 63,000 pamilya o kabuuang 303,000 katao na karamihan ay mga residente ng Luzon ang naapektuhan ng bagyo. sa nasabing bilang nasa 1,027 pamilya o kabuuang 4,619 katao ang nasa mga evacuation center.
At naitalang may P2 milyon naman ang pinsala sa agrikultura at hayupan ng bagyong Gener partikular na sa Cagayan Valley Region.
Samantalang, anim na bayan at dalawang lungsod sa Cavite ang isinailalim sa state of calamity dulot din ng malaking pinsala ng bagyong Gener na nagbuhos ng malakas na pag-ulan, at malalaking alon.
Sa ulat na nakarating sa National Disaster Risk sa NDRRMC kabilang sa mga isinailalim sa state of calamity dulot ng mga pagbaha ay ang Bacoor City, Kawit, Noveleta, Ternate, Rosario, Tanza, Naic, at Cavite City na dumanas din ng water surge ang ilang kabahayan sa baybaying dagat kinabibilangan ng Barangay Munting Mapino sa bayan ng Naic kung saan nawasak ang mga kabahayan na pinatindi pa ng malalakas na ihip ng hangin.Matinding naapektuhan naapektuhan ang Bacoor City at bayan ng Rosario kung saan umabot sa hanggang dibdib ang mga pagbaha sa mga Barangay Habay Uno at Ligtong 3.
Sa bayan ng Ternate, aabot sa 16-kabahayan na nasa tabing dagat ang winasak ng bagyong Gener.
Hindi pa man nakakaalis ang bagyong Gener ay may panibagong low pressure na naman ang namataan ng PAGASA, Tiyak matinding pinsala pa rin ang idududlot nito at matinding pagbaha.
Tambak ang mga basurang iniluwa ng dagat sa iba't ibang baybaying dagat.
Tone-toneladang mga basurang hindi natutunaw na itinatapon din ng mga mamamayan dahilan ng pagbabara ng mga tubig daluyan, kanal estero imburnal at nagpapababaw sa mga ilog.
Kailan nga ba matututo ang mga mamamayan sa pagtatapon ng mga basura sa dagat ilog estero mga kanal at imburnal.Matuto na sanang disiplinahin ang bawat sarili dahil ang mga basurang itinapon ay babalik din sa atin at hindi birong pinsala ang hatid nito.
Harinawang tuluyan ng maalis ang pag gamit ng mga plastic at mga kauri nito na isa sa dahilan ng pagbaha., matuto sana tayo sa mga nangyayari.
page 4 - EDITORYAL │ Operation Eposé Vol. 10 Blg. 04 August 05-11, 2012 
No comments:
Post a Comment