September 30, 2012 - October 06, 2012
ILANG taon na nakaraan. May isang propesor sa Harvard Business School (U.S.) ang sumulat ng bukas na liham sa mga magsisipagtapos sa bansa. Sinabi niya na sa isang dako, dapat kalimutan ang mga natutunan sa eskwela, sinabi niyang labis na idiniin sa mga paaralan na ang tagumpay ay batay sa marka ng mga “Tests” upang makapasa sa sikap na pansarili ng bawat isa sa halip na mabuting pagsasamahan at pagtutulungan ng grupo. Sabi pa na sa labas, sa papasukang trabaho. Ang mahalaga upang magtagumpay ay mabuting pakikisama at isang pagrerelasyong ugnay-ugnay sa isa’t-isa.
Totoo rin ito sa buhay Cristiano madalas nating akalain na ang espirituwal na paglago at tagumpay ay bunga ng kalawakan ng kaalaman sa mga pangyayari at prinsipyo ng biblia. Ngunit ipinakita ng dios na may pinanggagalingan pa ito- ang pagmamahal sa isa’t- isa tulad ng pagmamahal sa atin, nilinaw niya na magagawa lamang natin ito kung mananatili tayo sa Dios, sa pamamagitan ng pananalangin at relasyon sa Dios at sa ating kapwa.
Kung ang mga Cristiano’y malapit sa Dios magiging malapit din sila sa isa’t-isa lalo ‘nat sa panahong ito ng politika.
page 6 - "MORAL RECOVERY PROGRAM" BY: REV. E. ALVAREZ │ Operation Eposé Vol. 10 Blg. 12 September 30, 2012 - October 06, 2012 issue
No comments:
Post a Comment