Noong taong 1724 ng magmilagro ang Jesus Nazareno at pinagaling ang isang banyaga at ito’y nalaman ng mga taong bayan ng San Roque, kaya’t ang kanilang pamimintuho at pamimitagan kay Jesus Nazareno ay lumawak.
Ang lahat ng ito ay mula sa tradisyon o salinsabi, isang banal na alamat na aking sinipi.
Gervasio Pangilinan
Noong ika-18 siglo, tatlongpung taon bago ang digmaan ng Espanya at Pransiya laban sa Inglatera sanhi ng mag-anak na kasunduan ng mga Borbon na namuno sa dalawang naunang bansa. Sa isang bayan ng Albion ay meron isang lalaki na kilala sa kanyang pisikal at marangal na katangian.
Ang kanyang pagiging maharlika at higit sa lahat ang labislabis na kayamanan. Siya ang Baron ng Melville.
Sa kanyang kabataan ang kanyang libangan ay ang pangangaso sa gabi. Isang araw ng buwan ng Mayo taon 1724, dumating ang Conde Willmore isang maharlikang Irlandes. Kasama niya ang kanyang anak na babae at kasambahay at ito ay nalaman sila’y inanyayahan sa palasyo.
Nang sumunod na araw, nakitang lumalabas sa mansiyon ng Melville ang isang pulutong kasama ang “Castillana de Willmore” isang maganda at atletang babae na nakasakay sa isang kulay alasan na kabayo.
Sa isang hanay ay ang mga bata at makisig na lalaki na naimbitahan para sa pangangaso kasama ang ama ni Malvina (Castillana de Willmore). Ang paglisan ng Baron de Melville ay walang nakapuna.
Ang Conde at ang kanyang anak na si Malvina ay hirap sa pagtugis sa isang usa. Pagdating sa isang landas na kung saan nawala ang Baron de Melville ay natagpuan nila ito na nakahandusay sa lupa at duguan.
Nang ang kanyang sinasakyan na kabayo na nakikipagunahan ay hindi niya napansin ang isang umang katawan ng malaking puno. Na nakahambalang sa daraanan at sumabit ang paa ng kabayo at itinapon ang nakasakay sa napakalayong lugar. Nahulog siya at tumama ang ulo sa isang bato, nagsugat at nagdugo dahilan ng pagkawala ng kanyang ulirat.
Ang Baron ay inuwi na walang-malay. Isang di-kilalang estrangherong tao ang nagpakita, ang Baron ay nakadama ng di pangkaraniwang pakiramdam na kanyang nadadama.
Siya ay nakaririnig ng alingawngaw ng makalangit na awitin para sa Diyos na inaawit ng mga korong anghel. Akala niya na siya’y nananaginip. Kinuskos niya ang kanyang mga mata at nakakita siya ng matingkad na liwanag, halimuyak ng pabango sa buong silid. Ang estranghero ay nakatingin sa kanya ng naaawa.
Ang Baron ay umiyak at sinabing: “Panginoon, Panginoon, Panginoon.” Hayaan mong halikan ang iyong kamay. Sabihin mo po sa akin saan ko po kayo matatagpuan, upang ipakita ang aking pagpapasalamat sa mabuting ginawa mo sa akin.” At siya ay ngumiti ng may kabutihang loob at magiliw na sinabi sa kanya na “kung ang sinasabi mo ay totoo at hindi ka natatakot sa susuungin mong panganib sa paghahanap mo sa Akin. Ako ay matatagpuan mo sa kabilang panig ng mundo.
Sa isang bayan na natuklasan ng mga kastila.” Ang pagdiriwang ng Dulce Nombre de Jesus sa San Roque ay isang nakalulugod na araw. Malaking bilang ng mga namimintuho at namamanata sa Padre Nuestro Jesus Nazareno ang nagpupunta sa simbahan pag Enero noong taong 1725. Isang lalaki ang lumuhod sa may paanan ng Nazareno at tumulo ang kanyang mga luha. Siya ay pagod na pagod dahil sa kanyang napakahaba at napakahirap na paghihirap na paglalakbay sa oras na iyon, ang kanyang mukha ay nagliwanag at puno ng kasiyahan. “Panginoon, Panginoon” ang sabi niya “Napakadakila Mo sa pagbigay mo sa akin ng kaaliwan. Pinagaling mo ang aking katawan at kaluluwa.
Sa akin pong pag-aalinlangan sa Iyo, patawarin Mo ako. Ako’y nananalig sa Iyong kabutihan at awa. Nadaig ng emosyon, kaya’t siya ay inilabas ng simbahan. Siya ang Baron de Melville na tinupad ang kanyang pangako. Nilibot niya ang buong kapuluan, hanggang siya ay dinala ng kanyang paa sa simbahan ng San Roque. Dito niya natagpuan ang imahen ng Nuestro Padre Jesus Nazareno. Siya ay napagaling sa kanya di-pangkaraniwang sakit sa kanyang palasyo sa Gran Britanya.
Ang balita tungkol sa mga nangyari ay kumalat sa buong Cavite at ang Baron ay di tumigil sa paghahayag ng milagro at makalangit na pangangalaga na ipinagkaloob sa kanya. Ipinahayag ang kanyang mga kasalanan, pananalig at bagong pananampalataya. Ang Baron ay nag-utos at nagpagawa na magtayo ng Maringal na simbahan (Magnifico Templo) sa liwasan bayan (ngayon ay kinatatayuan ng gusali ng pampublikong paaralan (GABALDON) sa San Roque) malaki at malawak. Para sa ikatitibay ng kanyang pader ng simbahan, nag-utos na ang apog at buhangin ay haluan ng puti ng itlog.
Ang Baron ay bumalik sa kanyang bayan at ginawa niyang kapilya ang kanyang silid. Makalipas ang ilang buwan, pinakasalan niya si Malvina ang “Castellana de Willmore.” Sa simbahan na ito ng San Roque ay itinatag ang Confradia de Jesus Nazareno noong ika-2 ng Marso taong 1726. Sa panakop ng mga Ingles (British) noong 22 ng Setyembre, 1762 sa Cavite at Maynila at nang makarating sa bayan ng San Roque hinanap nila ang Gobernadorcillo si Bernardo Carlos, tinanong kung kanino ang simbahan at sinabing sa gobyerno. At iutos ng nakatataas na Ingles na ito ay gibain. Kaya’t ang tawag sa gobernadorcillo ng taong bayan ay “Tumba Iglesia.” Nalipat ang parokya ng San Roque sa simbahan ng Nstra. Sra. Soledad sa Porta Vaga, kung saan ang Confradia de Jesus Nazareno ay nagsasagawa ng pagtitipon mula 1763 hanggang 1770. Ang bagong simbahan ng San Roque ay nasunog dahil sa labanan ng Pilipino-Amerikano noong 1899, nawala ang imahen ng Jesus Nazareno na nagpakita sa Baron de Melville, maliban sa patron San Roque ang peregrino ang naiwan.
–– Ang tradisyon na kasaysayan na ito ay sinipi ni Don Gervasio Pangilinan (1876-1945) sa kanyang aklat na “La Historica Cavite (1926) at isinalin sa Ingles THE HISTORIC CAVITE ni Lourdes Arespacochaga (2001) at sinalin ko sa Pilipino ang tunkol dito.
page 03 - "KASAYSAYAN" Operation Expose VOL. 10 BLG. 28 Enero 13-19, 2013

+page03.jpg)

Saan nakakabili ng copya ng Historic Cavite or Pilipino version ng libro
ReplyDeleteIf you're trying to lose weight then you certainly need to start using this totally brand new custom keto meal plan diet.
ReplyDeleteTo design this service, licensed nutritionists, fitness couches, and chefs have united to develop keto meal plans that are useful, decent, cost-efficient, and enjoyable.
Since their grand opening in January 2019, thousands of clients have already completely transformed their body and well-being with the benefits a good keto meal plan diet can provide.
Speaking of benefits: clicking this link, you'll discover eight scientifically-proven ones given by the keto meal plan diet.