MARAMING Caviteno ang tuwang-tuwa sa balitang binabalak ng administrasyong Aquino na magtayo ng bagong international airport sa munisipalidad ng Kawit.
Bukod sa lumabas ang planong ito sa mga pahayagan, ilang radio broadcast ang nagsabi na ang balak na paliparan ay ikokonstrak sa nire-reclaim na lupa sa dagat ng Kawit at ito ay pinangangasiwaan na ng Public Estate Authority.
Ayon pa sa balita, unang naisip na itayo ang modernong paliparan sa dating Sangley Point Airport sa Cavite na dating ginagamit noong nasa Cavite City pa ang pasilidad ng United States Navy.
Iniwan ng lakas dagat ng USA ang pasilidad nang matapos ang kasunduan ng US at Pilipinas tungkol sa pananatili ng mga base military nito sa bansa.
Lahat ng pasilidad at base military ng America sa bansa, kabilang ang US Naval Base sa Cavite City at Olongapo City, ay inalis matapos ang kasunduang ito.
Sinabi naman ng ilang sources sa Department of Transportation and Communicationsn na ang planong International airport sa Kawit ay inaokeyan na ni Pangulong Aquino, at nabatid din na sa Abril 2013, maaaring maumpisahan na ang proyektong Light Railway Transit Extension mula Baclaran patungong Las Pinas at Bacoor City.
Ayon kay DoTC Sec. Joseph Emilio A. Abaya, malapit nang matapos ang bidding process sa proyektong LRT Cavite Extension na sinabing mamadaliin ito para matapos bago ang 2016.
Bago rin matapos ang 2016, uumpisahan din ang planong pagtatayo ng isang bagong pantalan ng Bureau of Customs sa coastal town ng Ternate.
Anang isang opisyal ng BoC, luluwag ang South Harbor sa Maynila na nandito ang Port of Manila, Manila International Container Port at ang Customs Collection District sa Ninoy Aquino International Airport. /ET
page 11 -

No comments:
Post a Comment