BAGO ako magsimula, nais kong magpasalamat una sa Poong Maykapal na andito pa rin tayo at patuloy na nakikibaka sa buhay. Nawa’y isang masaganang taon at payapa ang taong 2013. Itong January 15, limang taon na akong nagsusulat sa Operation Expose at ganito na rin katagal ang pamamalagi ko dito sa Cavite.
Malayo na rin ang aking narating, mula sa City of Smile Bacolod City dito ako napadpad sa lugar ng mga bayani, ang lalawigan ng Cavite. Nagkaroon ako ng maraming kaibigan dito.
Maraming pamilya na maituturing na kong aking isa-isahin ay kukulangin ang aking espasyo. Nais kong pasalamatan ang Negros Press Club, kong hindi ako naging scholar ng NPC marahil ay wala ako ngayon dito sa Cavite. Maraming tao na ang aking nakasalamuha, mga politiko, artista, mga lider ng iba’t-ibang grupo at marami pang iba. Ngayon lang ako nagkaroon ng pagkakataon na lumingon sa aking pinanggalingan. Sabi nga, “ang hindi marunong lumingon sa pinanggalingan ay hindi makakarating sa paroroonan.”
Isa ako sa mga napagtapos ng Negros Press Club sa kursong Mass Communication sa University of Negros Occidental taong 1993. Si Daddy Monette Padilla noon ang siyang nangangasiwa ng scholarhip program ng NPC na naging presidente din ng samahan. Nitong umuwi ako ng Bacolod City, sinadya kong bumisita sa opisina ng NPC at napag-alaman ko na ang presidente ngayon ay si Arman P. Toga, Editor ng Negros Daily Bulletin. Very accommodating si Sir Arman at masaya ako sa aking narinig sa kanya na maganda ang samahan ng mga Media sa Bacolod City. “Magkaiba man ng mga paniniwala, naroon pa rin ang respeto sa isa’t-isa. Naging tambayan na ng mga mamamahayag ang opisina sa press club. Nagkakaisa ang lahat at maganda ang camaraderie “ .
Nakaraang taon October 24, 2012 nagkakilala kami ni Mr. Benny Antiporda ang Presidente ng National Press Club. Naging bisita si Sir Benny sa Symposium na isinagawa ng Asian Star Express Balita sa tema nitong “Fostering positive change through Enhanced Relationship between PIOs and the Media”. Ito ay sa pangunguna naman nina Mrs. Whelma G. Apolo ang Publisher ng Asian Star at Senior Director for Operations & Marketing Ms. Marilou Apolo. Isang makabuluhang okasyon na nakapag pahayag ng saloobin at opinion ang Media at mga bisita. Nabanggit ko kay Sir Benny Antiporda ang tungkol sa Negros Press Club at nakita ko ang kanyang pagka mangha at sinabi niya na ito ang oldest press club sa buong Bansa. Marami ang mga napag-usapan sa nasabing symposium at nabanggit dito ang mga salitang “Hao Shao” na tumutukoy sa ilang mga Media na ang kanilang pahayagan ay lilitaw, lulubog! At una rin nilang narinig sa akin ang salitang “tamburong brigade” wala naman ito sa Cavite, dahil pag “on-air” dapat sa airwaves pero ang mga kasapi ng “tamburong brigade” ay sa ilalim ng lupa.
Tumutukoy naman ito sa mga Media na nagsasabit ng halos ¼ size ng ID na wala namang mga outlet. Naibahagi ko rin ang expression naming mga Media sa Bac olod City na inutusan lamang na bumii ng suka sa tindahan pagbalik may nakasabit ng Media ID. Sa pangkalahatan masaya pa rin ang maging bahagi ng mamamahayag ma pa radio man, television, newspaper at ngayon pati sa internet. Isa pa rin ang aming hangarin na mapaabot sa madla ang mga impormasyon.
Media Night ng SM Bacolod City Bongga!
Labis ang aking pasasalamat kay Negros Press Club Pres. Arman Toga na naging bahagi ako ng Media Night ng SM Bacolod City.
Siyempre kay SM Cavite PR Officer Ms. Jen Paus at SM Cavite PR Manager Ms. Cathie Antonio na agad kong na text na ako ay invited sa Media Night. Masaya naman sila na ang kanilang Media Partner sa Cavite ay naimbitan din sa Media Night ng Bacolod City. Maraming salamat sa inyo, masaya akong nakasama ang mga dati kong kasama na mga Media sa Bacolod City. Maraming salamat din kay SM Bacolod City PR Manager May Castro na very accommodating din.
Nasabi kong bongga ang kanilang paghahanda at malumanay naman sumagot si Ms. May na siya ay tinulungan ng kanilang Marketing kaya naging bisita nila si Giselle Sanchez. Naaliw ang lahat sa kahusayang ipinakita ni Giselle na isa ring mamamahayag sa radio, member ng KBP, kolumnista, V blogger, singer at actress.

page 11 -

According to Stanford Medical, It is indeed the ONLY reason this country's women live 10 years more and weigh an average of 42 pounds less than us.
ReplyDelete(Just so you know, it is not about genetics or some secret-exercise and really, EVERYTHING about "HOW" they eat.)
BTW, I said "HOW", and not "WHAT"...
TAP on this link to find out if this easy quiz can help you release your real weight loss potential