SILANG, Cavite–– Kulungan ang hinantungan ng dalawang lalaki matapos masakote ng pulisya sa aktong nagnanakaw ng mga panabong na manok sa Barangay Balubad 2nd sa bayan ng Silang, Cavite nitong nakalipas na Hulyo 7.
Sa nakalap na ulat sa tanggapan ni P/Supt. Simnar Gran hepe ng pulisya kinilala ang mga suspek na sina Joel Picardal, 35, guard ng Nene Aguilar’s farm, stay-in, at Pablo Bautista, 43, ha-bang tugis naman ang tatlong iba pang suspek na nakilala lamang sa mga alyas Insot, alyas Allan Bulag at alyas Glenn.
Sa imbestigasyon ni PO2 April Jo Ambojia, nasakote ang mga suspek sa pagnanakaw ng 10 panabong na manok na pag-aari ni Jose Gonzales ng Almanza Uno, Las Piñas City.
Nabatid na aabot na sa 400 panabong na manok ang nawawala sa farm ni Gonzales.
2 TIKLO SA NAKAW NA MANOK
CRISTY D. GARCIA│Operation Exposé Vol. 10 Blg. 01 July 15 - July 21, 2012

No comments:
Post a Comment