CAVITE CITY–– Nagsagawa ng operasyon kontra illegal gambling ang mga elemento ng Intelligence Section sa direktang superbisyon ni P/ Supt. Rommel Laconsay Javier hepe ng pulisya, nang sa hindi sinasadyang pagkakataon ay maaresto ang isang 35 anyos na lalaki na nahulihan ng ipinagbabawal na droga sa Capt. Novales Street, Cavite City nitong nakalipas na Hulyo 6 bandang alas 9:30 ng gabi.
Kinilala ang naarestong si Jimel Lucasan y Ong, walang trabaho residente ng 899 Molina Street ng nabanggit na lunsod.
Sa imbestigasyon ni PO2 Michael Marquez, nabatid na nahulihan ang suspek ng isang transparent plastic card holder na naglalaman ng di pa madeterminang dami ng pinaghihinalaang shabu, na nakapaloob sa mga small transparent plastic sachet.
Sinampahan ng kasong paglabag sa Section 11(possesion of illegal drugs) ng Republic Act 9165 ang suspek at nasa kustodiya ng pulisya.
35 ANYOS NA LALAKI TIKLO SA DROGA
REY MORALES/ RENANTE MAGBUAT│Operation Exposé Vol. 10 Blg. 01 July 15 - July 21, 2012

No comments:
Post a Comment