Mga minamahal kong mga kababayan tag–ulan na ingatan ninyo ang inyong mga katawan mahirap magkasakit lalo na ang mga bata na napasok sa eskwela. Delikado ang baha at maraming nakukuhang sakit ito. Mahal po ang gamot sa botika sa panahong ito ay BAWAL MAGKASAKIT
ROGER BUGTONG,
Hoy, tarantado ka bugtong -bugtong na reklamo sa iyo, marami kanang niloloko kunwari ay kontrata pag nakuha mo na ang downpayment sa kontrata ay sisibat ka na. Php 30,000 down sa iyo sa kontrata mo sa Grand Centennial Homes,Kawit, Cavite sa pamilyang Calibuso, di ka na sumipot pati sa Fiscal sa Imus, Cavite hearing di mo din sinipot hehehe binuburo mo warrant of arrest mo gago ka sana mahuli ka na at mag- himas ka ng rehas. Mga kaibigan wag kayong magpabola sa taong ito na madaming address, contractor kuno, peke....
Ms.Amalia Fuentes at anak nagulpi,
Tanggal ang tapang ng artistrang si Amalia Fuentes ng magulpi kahapon sa kanyang paupahan pati ang kanyang anak na lalaki na ngayon ay nasa St. Luke Medical Center, hehehehe dina shooting ito, labis kasi ang taray e lola na ayun pinatulan tuloy ng mga gagong tauhan ng naupa sa kanyang bahay nuong July 04, 2012 ng gabi sa New Manila, Quezon City, ang mga suspek ay agad tumakas ang magasawang Peter Lico at Rosemarie na sasampahan ng double frustrated murder ng mga abogado ni Amalia sa tinamong tusok sa likod ni Ms.Amalia at gulpi, hampas ng payong, dahil sa talbog na check na inissue nila sa mataray na aktres. Sana ay tulungan siya ni Mommy Anabelle ……
Mga Pilipino Seaman Kawawa,
Kung mapapanuod ninyo ang sinapit ng mga Pilipinong Seaman na tumakas sa Bansang Malaysia ang naghain ng kanilang masaklap na dinanas sa kamay ng tarantadong mga opisyales ng barko na sinakyan nila. Isang malaking fishing vessel international na di umano ay mani lang ang ulam, tira-tira halos tinik ng isda at tubig na puro kalawang na lang ang pinaiinom sa kanila at may halong panggugulpi at pinagmamalupitan ng labis, dapat umaksiyon ang gobyerno sa bagay na ito, sobrang mahal ng tuition fee ng pag-aaral ng seaman, sobrang dami ng training at iba pa. POEA, Marina at mga samahan ng seaman umaksiyon kayo diyan sa pang-aabuso sa Pinoy, ginawang mga aso ang kababayan natin.
Mga Matatabang Pulis Kinalos,
Pinag-utos ng Chief PNP Nicanor Bartolome ang pagsasagawa ng regular na ehersisyo sa may 3,000.00 myembro ng kapulisan na over weight para mabawasang ang timbang at hindi masibak sa pwesto, isasailalim sa walong linggong slimming program ang mga tabatsoy na Parak.
****************************
Kung may gusto kayong iparating sa aking para mailathala nating
mga pang-aabuso at hinaing ay
magtext o tumawag sa num. 0916-2986137.
Maraming Salamat po.
KASANGGA
By: BOBBIT BENITEZ │Operation Eposé Vol. 9 Blg. 52 July 08 - July 14, 2012
By: BOBBIT BENITEZ │Operation Eposé Vol. 9 Blg. 52 July 08 - July 14, 2012

No comments:
Post a Comment