WALANG tigil ang pag-ulan na nagsimulang bumuhos nitong madaling araw ng Lunes,(Hulyo 2) sinuspinde ang klase sa lahat ng public at private schools sa Metro Manila at karatig probinsiya, gayundin ang pasok sa mga tanggapan ng gobyerno.
Ang mga pag-ulan ay nagdulot ng matinding pagbaha at nagpalala rin ng daloy ng trapiko sa mga pangunahing lansangan partikular na sa Metro Manila.
Nagsagawa ang MMDA Declogging Team sa mga lugar na may pagbabaha upang tanggalin ang mga basurang nakabara sa mga drainage at estero.
At doon ay natuklasan na sinadyang barahan ng malalaking tipak ng bato ang isang imburnal sa kanto ng V. Luna Avenue at Malakas Street sa Quezon City.at ang maramihang pagkawala ng mga manhole sa ibat ibang mga lugar.
Umapaw din ang mga tulay sa Letre Malabon maging ang underpass sa Quiapo. Sa isinagawang Declogging operation ay nakita ang tambak na basurang plastic mga basurang hindi natutunaw na sanhi ng pagbabara ng mga estero kanal iba pang pinagdadaluyan ng tubig.
Mga basurang itinapon ng mga walang disiplinang mamamayan,na sa paulit ulit na kampanya ng gobyerno ga anunsyo sa pahayagan radyo at telebisyon sa pagtatapon at pagbubukod ng mga basura ay hindi pinakikinggan ng mga mamamayan partikular iyong mga naninirahan sa mga tabing ilog at tabi ng baybaying dagat na iskwater kung turingan.
Patuloy man ang Declogging Operation upang maalis ang mga bara at muling lumalim ang mga ilog at tubig daluyan kung patuloy naman na walang pakialam ang marami sa pagtatapon ng basura lalo at higit doon sa mga basurang tumagal man ang maraming taon ay hindi natutunaw.
Hindi maialis sa pamilihan ang mga plastic na lalagyan at mga kauri nito. kahit pa anong programa ang ilatag ng gobyerno ay mawawalan ng silbi at katuturan.
Araw araw man itong linisin kung sige at sige ang pagtatapon ng mga basura ng mga walang disiplinang mga mamamayan babalik at babalik ang mga basura at siyang kikitil sa maraming buhay.
EDITORYAL
│Operation Eposé Vol. 9 Blg. 52 July 08 - July 14, 2012

No comments:
Post a Comment