Newspaper Archives Vol. 10 Blg. 12
September 30, 2012 - October 06, 2012
KAMAKAILAN tayo po ay pinasaringan ng ilan nating kapatid sa pamamahayag tungkol sa pagkatao at karakter ng dati natin “iginagalang” na kasamahan sa hanapbuhay.
Maraming pagkakataon na ating “sinasalo” ang mga hinahagis na pasaring sa “media consultant” na giit ng ating mga kumare at kumpare sa pamamahayag sa biglang pagiging mapagmataas at tila di na yata nakatungtong sa lupa ang mga paa nito.
Lagi kong sansala at pagsalag para sa “media consultant” sa ilang batikos ay “hindi naman, siguro ay sadyang busy lang madalas si “media consultant” kaya kayo (at pati tayo) ay ‘di napansin at malayo na sa kanyang paningin. Siguro malabo na rin ang mata ni “media consultant?” he he he..
Na bagama’t sadyang “napakalapit” sa akin ay sana abot kamay lamang siya. Pero nitong nakaraang okasyon sa isang malaking political engagement sa Cavite ay tila naniniwala na nga yata tayo sa mga pasaring ng ating mga kumare at kumpare sa hanapbuhay.
Dahil, naging recipient tayo ng kanyang tila di na ma-reach na kalagayan sa kanyang ginagalawang sirkulo na inabibilangan ng mga political bigwigs sa lalawigan. Well tumagal ka sana kaibigan sa iyong pamamayag pag … siyempre ang hangarin ito ay mula sa patnugutan.
Nga pala, paalala lamang.. bulag daw at walang unawa ang hindi marunong lumingon…
page 4 - ‘DAMPI'T HAPLIT' by: DAN FABROS │ Operation Eposé Vol. 10 Blg. 12 September 30, 2012 - October 06, 2012 issue

No comments:
Post a Comment