September 30, 2012 - October 06, 2012
KATATAPOS lamang ng insidente ng pakakasibak sa pwesto ng kaanib ng kapulisan ng kyusi dahil sa kangongotong sa anak ni NCRPO Director General Leonardo Espina, heto at dalawang tauhan ng Parañaque City Police ang nahuli sa video footage na tumatanggap ng sobre buhat sa mga iligal vendors na nagkalat sa bisi-nidad ng simbahan ng Baclaran, kamakailan lang.
Kinumpirma ni Parañaque Police chief, Sr. Supt. Billy Beltran ang insidente sanhi upang sibakin niya sa kanilang puwesto sa Police Community Precinct 1 sina PO2 Adrian Valencia at Po2 Elan Sagario habang nagsasagawa ng imbestigasyon sa kanilang kaso.
Sinasabing,isang con-cerned citizen ang nagpadala sa kanila ng “video footage” na kitang-kita ang dalawang pulis na tumatanggap ng sobre buhat sa mga iligal vendors sa paligid ng Our Lady of Perpetual Help sa Baclaran.
Sinasabing matagal na umanong inirereklamo ng mga deboto at kaparian ang hindi masawatang mga iligal vendors at terminal sa paligid ng Simbahan na dahilan na upang hindi maaprubahan ng Vatican City ang aplikasyon nila upang maging Inter-national Shrine.
Paanong nga na masasawata ang mga illegal vendors kung may payolang tinatanggap ang mga naka assigned na pulis sa Baclaran.
Sus, huwag naman nating gamitin ang ating mga uniporme sa pangongotong iyong mga hindi gumagawa nadadamay.
Marami pa rin ang mga hoodlum in unforms kawawa naman ang iba na gumaganap ng tapat sa kanilang mga tungkulin, tingin tuloy ng iba pare pareho ang mga pulis.
Nakakahiya di ba?
page 4 - EDITORYAL │ Operation Eposé Vol. 10 Blg. 12 September 30, 2012 - October 06, 2012 issue
No comments:
Post a Comment