Newspaper Archives Vol. 10 Blg. 13
October 07, 2012 - October 13, 2012 issue
ROSARIO, Cavite– Kasabay ng pamamahagi ng educational assistance sa mga mag-aaral ng Rosario Elementary School, nagbigay ng mahalagang mensahe si Boy Blue Abaya (may hawak ng mikropono) kung saan sinabi niya rito na ang educational assistance aniya sa mga magaaral na pinasimulan ng kanyang ama na si dating Congressman Del Abaya ng Unang District ng Cavite ay ipinagpatuloy ng kanyang kapatid na si Congressman na ngayon ay DOTC Secretary Joseph “Jun” Abaya.
Sinabi pa ni Boy Bue na sa simula pa ay tanging magaaral ng primarya at sekondarya ang nabiyayaan ng naturang programa, ngunit ngayon aniya ay sisikapin niyang pati na kolehiyo ay dapat na mapabilang sa programang ito lalo na ang mga estudyante na napabilang sa angkan ng maralita.
Nagbubulong-bulungan naman ang mga magulang ng mga batang mag-aaral na dapat ay hindi anila pababayaan sa halip dapat suportahan ang kandidatura ng mamang ito (Boy Blue) sa pagka-congressman bilang kahalili ng kanyang kapatid, Jun Abaya.
“Alin! Ipagsapalaran ba natin ang kinabukasan ng ating mga anak sa iba gayong halos lahat ng mga anak natin ay napagtapos ng pag-aaral sa high school sa tulong ng mga Abaya,” dagdag pa nila. (ART BROSAS, Photo by: Jun de Guzman)
page 05 - "EDUCATIONAL ASSISTANCE, LEGACY NG MGA ABAYA" │ Operation Eposé Vol. 10 Blg. 13 October 07, 2012 - October 13, 2012

good day po,san po nakakahingi ng medical assistance ky congressman at ano ang requirements
ReplyDeleteGood morning, panu po ba makakahingi ng medical assistance for implant.Ano po requirements? Thanks
ReplyDelete