MAKAPANINDIG BALAHIBO at sobrang nakakagalit ang nangyaring pamamaril sa Kawit nitong Enero 4. Masaklap na trahedya na uukilkil sa unawa kaisipan sa matagal na panahon sa mga naulila ng mga biktima, ganundin sa pamilya ng iba pang nasaktan. Pero tiyak din na ‘di makakatulog nang mahimbing ang pamilya ng napatay din salarin na si Ronald Bae.
Ayon sa imbestigasyon, lango sa alak at ipinagbabawal na gamot si Bae at kasama nito sa ‘jamming’ ang alalay niyang si John Paul Lopez,bago naganap ang malagim na trahedya. Sinasabi sa ulat na bago ‘naburyong’ si Bae ay nag-away sila ng asawa nito na tila ayaw ng makisama pa nito na tila ayaw ng makisama pa sa kanya kaya iniwan ang misis sa Pampanga at solong bumalik sa kanilang bahay sa Kawit. Ang dahilan ng pagayaw ni misis ay nananakit umano itong si Bae at sinubuan pa minsan ng gun barrel minsang lango ito sa droga. Ang revelation ay naganap sa isang TV interview kamakailan. Take note, dear readers, alam ng misis at siguro pati magulang ni Bae na ito’y adik at meron licensed na baril, bakit kaya ‘di isinuplong sa awtoridad ito? At meron na palang record ito tungkol sa illegal drugs bakit naisyuhan pa rin ng gun license?
WOW! Something is very very here... Kilala umano si Bae sa kanilang lugar bilang ‘Robinhood’ pero nangangahulugan bang magbulag-bulagan ang kanyang mga kalugar sa kanyang pagmamalabis tuwing lasing sa droga at alak? Marahil, kung meron naglakasloob na isuplong sa otoridad sa kanyang pagmamalabis at pagiging marahas itong si Bae tuwing lango sa alak at droga (lalo na ang kanyang kapamilya), baka walang trahedyang naganap. Bagama’t sa pahayag ng misis ni Bae na pinakiusapan niya ang mister para magpa-REHAB, kapus ito sa pursigi.
SAYANG... LALO NA SA MGA BUHAY NA NASIRA!

page 05 -

If you're looking to lose weight then you certainly have to try this brand new custom keto meal plan.
ReplyDeleteTo produce this service, licensed nutritionists, personal trainers, and professional cooks united to develop keto meal plans that are effective, painless, cost-efficient, and delicious.
Since their grand opening in January 2019, 100's of clients have already remodeled their body and well-being with the benefits a certified keto meal plan can give.
Speaking of benefits: in this link, you'll discover 8 scientifically-tested ones given by the keto meal plan.