MAGANDANG araw po sa aking mga tagasubaybay sa aking kolum “Ang inyong lingkod ang Tigre ng Lansangan.
Ito’y karugtong lang po ng aking naisulat nitong huling isyu na bagay lang na dapat malaman ng ating mga kababayan, patungkol sa mga pinaupong opisyal ng gobyerno ni Pangulong Roxas ay este mali pala, mahal na Pangulong Noynoy Aquino, tulad nitong si Chairman Jacob ng LTFRB na halos lahat ng aking napagtanungan para rito kay Chairman ay puro negatibo ang mga sinasabi, dahil sa kanyang pamamalakad, kasama na ang kanyang board member sa aspetong hindi makamasa sa mga hinaing ng mga operator ng mga pampublikong sasakyan na lubusang pagpapahirap ang mga tugon ng mga ito.
Negatibo nga ba ang pamamalakad ng mga ito? LTFRB mga sir, sa aking palagay sir, dapat lang po nating bigyang pansin ang mga hinaing ng mga ito, dahil kung wala ang mga nasabing operator ay wala rin kayong ahensiyang paglilingkuran, kaya po kayo inilagay sa puwesto upang paglingkuran ang sambayanang Pilipino sa legal na pamamaraan. At huwag na nating pahirapan at gayahin ang bulok na sistema ng nakaraang administrasyon, maawa kayo sa mga ito mga sir. Ang buong akala ko, matuwid ang landas na tinatahak ninyo katulad ng ating Pangulong PNoy na dinidinig ang mga hinaing ng sambayanang Pilipino, magbago na sana kayo ng estratehiya sa pamamalakad patungkol sa mga prangkisang problemang kinakaharap ng mamamayang Pilipino, upang maibahagi naman natin sa lahat na tayo ay may natutunan sa nagdaang administrasyon. Na may maling panuntunan sa pagsasaayos ng isang ahensiya, dahil sa lagayan system kaya sir umaasa po kami na hindi kayo kaisa sa mga ganuung sistema matakot kayo sa Diyos Ama, baka bigyan kayo ng matalim na kidlat at hindi nyo mailagan mga sir.
Hanggang sa muli. Grawwwl..

page 10 -

According to Stanford Medical, It is in fact the ONLY reason this country's women get to live 10 years more and weigh on average 42 lbs lighter than we do.
ReplyDelete(And actually, it has NOTHING to do with genetics or some secret-exercise and absolutely EVERYTHING to do with "how" they eat.)
P.S, I said "HOW", not "what"...
TAP on this link to uncover if this easy test can help you find out your real weight loss potential