page 4. Editoryal Vol. 10 Blg. 28 ENERO 13-19, 2013
Umabot sa 697 ang bilang ng mga nabiktima ng paputok kaugnay ng pagsalubong sa Bagong Taon base sa ulat ng Department of Health (DOH).
Sa ulat ni Health Secretary Enrique Ona, ang bilang ng mga naging biktima mula noong Disyembre 21 hanggang Enero 2, 2013, 404 dito ang naputukan,na ang karamihan ay nasa edad na 10 taong gulang at mga lasing.Sinasabing tumaas sa 40 ka-tao ang biktima ng ligaw na bala sa iba’t ibang bahagi ng bansa kaugnay sa pagsalubong ng Bagong Taon. kabilang sa mga biktima ang 7-anyos na si Stephanie Nicole Ella na tinamaan ng ligaw na bala sa kaliwang bahagi ng kaniyang utak habang nanonood ng fireworks sa Caloocan City. Alas-2:26 ng hapon Enero 2 ay binawian na ng buhay ang bata matapos ang dalawang araw na pagka-comatose sa East Avenue Medical Center sa Quezon City.Una rito, nasawi ang 4-anyos na batang lala-king si Ranjelo Nimer, ng Brgy. Addition Hills, Mandaluyong City matapos ding tamaan ng ligaw na bala noong bisperas ng Bagong Taon.Namatay din nitong Enero 21 ng umaga ang 28-anyos na misis na tinamaan ng ligaw na bala sa kasagsagan ng pagsalubong sa Bagong Taon sa bayan ng Kalibo, Aklan.
Ang biktima ay kinilalang si Mayette Tulio, meat vendor na nagtamo ng malalim na tama ng ligaw na bala sa kaniyang dibdib. Sinasabing papasok na sana sa kaniyang kuwarto ang biktima upang matulog matapos ang pagsalubong sa Bagong Taon dakong alas-2 ng madaling-araw noong Enero 1 nang tamaan ng ligaw na bala.Iniulat naman ng National Capital Region Police Office (NCRPO) na 215 katao ang naaresto ng mga operatiba matapos na mahulihan ng illegal na paputok sa serye ng operas-yon sa Metro Manila..Iniulat at ipinahayag ni NCRPO Chief P/Director Leonardo Espina na 9 katao rin ang nasakote sa indiscriminate firing kasunod ng pagkakasamsam ng anim na baril at tatlong basyo ng bala na ebidensya laban sa mga pasaway na indibidwal. Labindalawang insi-dente rin ng sunog ang naitala ng Bureau of Fire Pro-tection sa pagsalubong sa Bagong Taon sa Metro Manila.Sa ulat Bureau of Fire Protection (BFP) -National Capital Region, simula noong Dec 31, 2012 hanggang Enero 1, 2013, umabot sa P4 milyong halaga ng ari-arian ang napinsala.Pito (7) sa mga naganap na sunog ay pawang mga kabahayan sa Quezon City,(3) partikular sa Commonwealth na pinaniniwalaang nag-ugat sa sky lantern na lumamon ng may 15 bahay, isa sa Tondo, Manila at isa sa Marikina CIty.Sa kabuuan sinasabing bago matapos ang taong 2012 umaabot sa P11.9 milyong halaga ng ipinagbabawal na fire-crackers at pyrotechnics ang nasamsam ng mga operatiba ng pulisya sa serye ng crackdown sa buong bansa.
Ang malaking halaga ng nakum-piskang mga bawal na paputok ay simula nang ilunsad ng bagong PNP Chief Director General Alan Purisima ang ma-lawakang crackdown kontra sa mga illegal na paputok upang mabawasan ang mga biktima nito.Sa mga kaganapang nangyari bago matapos at pumasok ang panibagong taon nawa'y matuto at magkaroon ng kadalaan at harinawang maiwasan ang pag gamit ng malalakas na uri ng paputok at ang pag gamit ng pagpapaputok ng baril hindi natin alam kung saan at sino ang magiging biktima nito.harinawang ito ay maiwasan na ng dahil sa kapalaluan ay umutang ng buhay...

As reported by Stanford Medical, It is indeed the one and ONLY reason this country's women get to live 10 years more and weigh 42 lbs lighter than we do.
ReplyDelete(And realistically, it has absolutely NOTHING to do with genetics or some secret diet and EVERYTHING around "HOW" they eat.)
P.S, What I said is "HOW", not "WHAT"...
CLICK on this link to determine if this brief test can help you release your real weight loss possibility